P30M halaga ng ‘smuggled’ na sibuyas, nakumpiska ng mga otoridad

Nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs at Department of Agriculture ang sako-sakong mga sibuyas na pinaniniwalaang pinuslit.

Ito ang kinumpirma ng DA sa gitna ng pinaniniwalaang shortage sa suplay ng mga sibuyas dahilan para sumirit ang presyo nito sa merkado.

READ MORE:

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa pahayag, nadiskubre umano ang nasa 100,000 kilos ng yellow onions na nakakarga sa ilang mga container vans.

Napagalamang idineklara raw ito bilang mga tinapay.

Sa kabuaon, tinatayang aabot sa P30Million ang halaga ng mga narekober na yellow onions.

Bago ito, una nang nadiskubre ng mga tauhan ng DA, BOC, at Bureau of Plant Industry ang mahigit sa isang libong sako ng puting sibuyas sa isang warehouse sa Maynila.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa BPI, isinagawa ang operasyon dahil wala umanong importation permit ang mga ito.

Nalaman ding ang imported nito ay bigo ring makakuha ng phytosanitary permit kaya hindi ito ligtas kainin.
#