P248 million pesos na real property tax para sa December 2023 , hahabulin sa Naga City

NAGA CITY – Hahabulin ng LGU-Naga na makuha ang halagang P248 million pesos na Real Property Tax na hindi pa nasisingil noong December 2023 na kinokonsiderang tax delinquent payer na ang concerned individual, batay sa talaan ng City Treaurer’s Office.

Sa ginawang regular session ng Sangguniang Panglungsod, sinabi ni City Councilor Salvador del Castillo, Chairman ng City Properties sa konseho, sinabi niya na nakatakda silang magkaroon muli ng committee hearing hinggil sa isyung ito para pag-usapan ang mga dapat pang gawin at ma-proseso ang legal na hakbang.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga delinquent tax payers at naabisuhan na rin kung papano ang posibleng pag settle sa mga accounts nilang over due na bago pa lumaki ng lumaki ang kanilang mga babayarin sa City Government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *