P2.2B budget ng OVP, mabilis nakalusot

Kagaya ng naging kortesiya ng Kongreso sa budget ng Office of the President – mabilis ding inaprubahan ng House Appropriations Committee ang hiling na P2.29Billion na budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.

Wala pang sampung minuto ay kaagad na pina-terminate ni Minority Flooor Leader Rep. Marcelino Libanan ang budget deliberation.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mabilis naman na sumegunda ang iba pang mga miyembro ng Kumite.

Para naman sa mga iba pang miyembro ng Minorya – partiklar na ang mga mambabatas mula sa Makabayan Bloc, mabibigyan pa rin sila ng pagkakataon na mabusisi ang hiling na budget ng OVP sa oras na isalang na ito sa plenaryo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matatandaang una nang na-kuwestyon ng opisisyon ang confidential funds na hiniling ng OVP.

Personal namang dumalo si Vice President Sara Duterte sa kanyang deliberation at nagpasalamat ito sa mga mambabatas.

Matapos namang maaprubahan ang OVP Budget, sumalang din sa Budget Deliberation ang Department of Education kung saan, si Duterte rin ang kasalukuyang Kalihim.
#