Patuloy na isinusulong ng isang grupo ang P15, 000 across-the-board increase sa sweldo ng mga guro.
Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition national chairperson, Benjo Basas, ang suporta sa sweldo sa mga guro ang isa sa hinihiling nila kay Senator and incoming Department of Education Secretary Sonny Angara.
Sa ngayon aniya, ang entry level pay ng mga guro o ang salary grade 11 ay katumbas ng 27 thousand pesos.
Samantala , humiling na rin ang TDC ng dayalogo kay Angara.
Ito;y makaraang maisumite na nila ang ilang urgent na usapin na kailangang mapag-usapan.
Bukod sa sweldo ng mga guro, kailangan din mapag-usapan ang pagpapatupad ng mga probisyon ng magna carta for public teachaers at pagsasaayos ng curriculum.