P100 Daily Minimum Wage Increase, panawagan ng mga senador ngayong Labor Day

Nakiisa ngayon sa pagdiriwang ng Labor Day o Araw ng mga Manggagawa ang mga senador bilang pagkilala sa diskarte at hirap na dinaranas ng bawat mamamayang Pilipinong nagtatrabaho.

Ayon kay Senate President Migz Zubiri, nakasandig sa pawis at pagod ng mga manggagawa ang anumang kaunlaran sa bayan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kaugnay nito, muling ipinanawagan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pagbibigay ng karagdagang proteksyon at benepisyo sa lahat ng sektor ng mga manggagawa.

Samantala, patuloy naman ding itinutulak ng mga senador ang agarang pagsasabatas sa P100 Daily Minimum Wage Increase Act na nakalusot na plenaryo ng Senado nitong Pebrero.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Maalala una ng kinontra ni Representative Stella Luz Quimbo ang pagsusulong nito dahil sa di umano’y inflationary effect na maaring maidulot ng umentong P100.