P1.5B na halaga ng mga smuggled agricultural products, nasamsam ng DA mula October 2022 hanggang January 2023

Iniulat ng Department of Agriculture na may kabuuang P1.5 bilyong halaga ng smuggled agricultural products ang nasamsam ng ahensiya mula October 2022 hanggang January 27, 2023.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary James Layug, 25 kaso ng paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at dalawang kaso ng paglabag sa Food Safety Act 2013 ang naisampa laban sa mga suspek.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Dagdag pa niya, pitong consignees at apat na brokers ang nahaharap sa mga kaso.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi ni Layug na pinag-aaralan ng gobyerno ang posibleng pagpapatupad ng pre-shipment inspection kung saan susuriin ang mga produkto sa area of origin nito.//CA