Nagpapagaling na ngayon ang aktor na si Oyo Sotto mula sa surgery, kasunod ng kanyang pagka-aksidente sa bike.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Oyo ang tatlong mga larawan mula sa naturang aksidente, bago ang ang aksidente, during operation, at habang nagrerekober sa kanilang bahay.
“God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! bungad nito sa caption ng kanyang post.
Samantala, pinasalamatan naman ni Sotto ang kanyang mga doktor, matapos ang matagumpay na operasyon.
