Over-all rate ng Soreco Dos ngayong buwan ng Hulyo, bumaba

Nagkaroon ng pagbaba sa Over All Rate ng Sorsogon 2 Electric Cooperative o SORECO 2 ngayong buwan ng Hulyo  kumpara noong nakaraang buwan ng Hunyo.

Sa datos ng kooperatiba mula sa dating  ₱14.1935/ kWh noong buwan ng Hunyo ay bumaba ito sa ₱12.5990/ kWh ngayong buwan o katumbas ng  ₱1.5945/ kWh na pagbaba.

Bumaba din ang Generation System Charge kung saan mula sa P8.4120/kWh noong nakaraang buwan ay bumaba ito sa  ₱7.1411/ kWh ngayong buwan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ibig sabihin, nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng kuryente na binibili ng kooperatiba sa Wholesale  Electricity Spot Market o WESM ng ₱1.2709/kWh.

Nagkaroon din ng pagbaba na  ₱0.0275/ kWh sa Transmission System Charge sa parehong peryodo kung saan mula sa ₱0.6448/ kWh na charge sa pagdala ng kuryente mula sa planta patungong Soreco 2 gamit ang transmission grid na ang bayad ay napupunta sa NGCP ay bumaba ito sa ₱0.6173/ kWh habang ₱1.4379/ kWh naman ang ibinaba sa Basic Charge matapos na maging  ₱10.7749/ kWh na lamang ito ngayong buwan kumpara sa  ₱12.2128/ kWh sa nakaraang buwan mga Hunyo.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                          

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation