Outbreak ng crown-of-thorns starfish sa Jose Panganiban napigilan na- BFAR

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na natuldukan na ang problema sa nangyaring Outbreak ng crown-of-thorns starfish sa karagatang sakop ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ito ang inihayag ngayong Lunes ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam sa naging panayam ng Brigada News FM Daet, mahigit isang buwan makaraang mamataan ang pagdami nito na labis na ikinabahala ng mga residente lalo na ng mga mangingisda sa lugar.

Ayon kay Tiam, nagtungo sa lugar ang team of divers at Fisheries Resources Management ng BFAR para pangunahan ang pagpuksa sa crown of thorns starfish sa pakikipagtulungan ng mga volunteers

Mayroon umanong ginamit na epektibong pamamaraan ang team para hindi na kailangang mano- manong i- extract ang naturang uri ng starfish na tumagal ng nasa isang linggo.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

“Mayron silang ginamit na specialized na equipment na kung saan yun po ay tinuturok nila o binabaril nila na ang bala ay vinegar o yung suka para po mamatay yung crown of thorn na  hindi na po kailangang i- extract, yung iba naman po ay kinukuha nila yung mga walang gaanong gamit ay ini extract po nila doon sa  lugar at inilalagay po nila sa buhanginan,” ani Tiam.

Inirekomenda rin ng BFAR sa Local Government Unit na magkaroon ng Coastal Resource Management Plan para maiwasan na ang naturang pangyayari.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

“Kinakailangan pong magkaroon ng management, yung conservation and protection nung environment and tutukan po yung ano, yung  crown of thorn na hindi na lumago, na hindi na magdami para po maiwasan na yung mangyari ulit yung outbreak.”

Matatandaan na dating sinabi ng BFAR na ang pagkakaroon ng outbreak ng naturang uri ng starfish ay dahil  hindi na balanse ang ecosystem sa ilalim ng dagat.

Naging “invasive” ang naturang uri ng starfish dahil wala nang nagkokontrol sa pagdami nila.

Ang mga predator kasi o kumakain sa crown- of- thorns na pacific triton sea snail ay unti- unti na ring nauubos dahil sa human consumption.