Oplan ligtas na pamayanan ng BFP–Naga mas lalong paiigtingin dahil sa sunod-sunod na sunog

NAGA CITY –Paiigtingin pa ng Bureau of Fire Protection ng Naga City ang kanilang pambansang programang Oplan Ligtas na Pamayanan para matiyak na ligtas ang lahat lalo na ngayon na sunod-sunod ang pagkakaroon ng insedente ng sunog sa lungsod,kahapon may naganap na naman sa Barangay Carolina.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay SFO1 Arwin Yap ng BFP-Naga na siyang tumatayong imbestigador sinabi niyang may mga problema silang nararanasan sa tuwing mag responde tulad ng mga nakaparadang sasakyan, maliit na kalsada at minsan malayo ang bahay na nasusunog.

Magkagayuman, nagagawan din nila ng paraan ang mga ito sa pamamagitan ng mga kaalaman nila katulong ang mga taga barangay na sumailalim na rin sa mga seminar at pag-aaral kung ano ang mga dapat na gawin sa ganitong pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *