Opisyal ng pampublikong paaralan sa Caloocan – sinuspende ng DepEd

Ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd) ang paniningil ng anumang gastusin ng mga bata sa pampublikong paaralan.

Samantala, may isang paaralan ngayon na iniimbestigahan ng Kagawaran dahil sa pagpilit sa mga estudyante na bumili ng mga worksheets para sa Catch Up Fridays sa halagang P60.

Read More:  CCTV captures Matina robbery and shooting in Davao City

Ayon kay Education Undersecretary Michael Poa, walang kautusan ang ahensya na may bayad ang mga worksheets at ayaw nitong maloko ang mga magulang at mag-aaral sa mga public schools.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Bagaman hindi pinangalanan ang paaralan, sinabi ni Poa na pinatawan na nila ng 90 day preventive suspension ang sangkot na opisyal ng paaralan.