Operasyon ng mga ospital, posibleng maantala dahil sa payment freeze order ng PhilHealth – Solon

Naniniwala si Albay Representative Joey Salceda na maaring maantala ang COVID-19 operations ng maraming ospital dahil sa utos ng PhilHealth na ipatigil ang bayad sa mga kwestyonableng claims.

Iminungkahi ng chairperson ng House ways and means committee ang “risk-based” approach habang iniimbestigahan ng state insurer ang mga claims.

Paliwanag niya, ang “risk-based approach” ay ang pagtutok sa mga kaso na pwedeng maging banta sa kasalukuyang sistema.

Ayon kay Salceda, posibleng makaligtaan ng ahensya ang mga malalaking kaso kung pati ang mga maliliit na kaso ay kanilang tutukan.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ipinunto ng mambabatas na magandang ideya ang pag-crackdown sa insurance fraud, lalo na at kulang ang resources ng bansa.

Pero in practice, ay sinabi ng Kongresista na kung iimplementa ito sa paraan na katulad ng tax audits, kung saan ay dadaan sa pagbusisi ang bawat maliit na claim, ay posibleng maantala ang flow ng critical financial resources laban sa COVID-19.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Noong Biyernes ay nag-isyu ang PhilHealth ng Circular No. 2021-0013 na naglalaman ng mga panuntunan kaugnay sa issuance ng Temporary Suspension of Payment of Claims (TSPC) bilang preventive measure laban sa healthcare providers na nasa ilalim ng imbestigasyon.

Inihayag ng state insurer na ang pagsuspindi ng bayad sa claims ng mga nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa fraudulent, unethical acts, at abuse of authority, ay matagal nang ipinatutupad noon pang 2016, alinsunod sa PhilHealth Circular No. 2016-026.