Operasyon ng e-sabong sa Cebu, bistado!

TIMBOG ang dalawang negosyante at 37 sa kanilang mga tauhan sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation sa Central Visayas (NBI-7) dahil sa e-sabong.

Ang operasyon noong Biyernes ng gabi, Septyembre 16, sa Barangay Calajuan sa bayan ng Minglanilla sa southern Cebu ay ginawa batay sa search warrant na inilabas ni Judge Grace Veloso-Fernandez ng Branch 19 ng Regional Trial Court sa Cebu City.

Read More:  BFP personnel arrested over alleged “slots-for-sale” scheme

May kaukulang P100,000 pyansa na itinakda bawat isa para sa mga negosyanteng sina Carlos Uy Gothong III at Sergio Lu at P36,000 bawat isa para sa kanilang mga empleyado.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Ang lahat ng mga naarestong indibidwal ay isinailalim sa inquest proceedings sa Cebu Provincial Prosecutor Office noong Lunes, Setyembre 19.