Opera star na si Palcido Domingo , nahnaharap sa bagong akusasyon

Nahaharap sa bagong akusasyon ng sexual harassment ang opera star na si Placido Domingo mula sa kapwa Spanish singer.

Sa isang pagsisiyasat noong 2020, mahigit tatlong dosenang singers, dancers, musicians, voice teachers at backstage staff ang nagsabing nakasaksi  o nakaranas sila ng hindi naaangkop na pag-uugali ni Domingo.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Ang pinakahuling akusasyon ay nagmula sa isang hindi kilalang mang-aawit sa La Sexta television channel ng Spain.

Ikinuwento niya kung paano hiniling diumano ni Domingo na hawakan siya pagkatapos ng rehearsal. Sa isa pang pagkakataon ay sinubukan umano siyang halikan nito.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Sinabi ni Domingo sa isang pahayag na iginagalang niya ang mga desisyon ng kababaihan na magsalita at  ikinalulungkot niya ang pananakit na idinulot nito sa kanila.//CA