Opening ceremony ng trade fair ng enhanced partnership against hunger and poverty, isinagawa ng DSWD Bicol

LEGAZPI CITY – Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang opening ceremony ng Trade Fair ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty sa isang mall sa lunsod ng Legazpi kung saan dinaluhan ito ni Assistant Regional Director for Administration Raul Enojas kasama ang mga kawani ng EPAHP, KALAHI-CIDSS, at Sustainable Livelihood Program.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Sa kaniyang mensahe, nanawagan ang ahensya na tayo’y magsama-sama sa paglaban sa kagutuman at kahirapan.

Magagawa lamang ng tanggapan at ng mga LGU na maiahon mula sa kahirapan ang mga mamamayan kung maayos ang pagpapalakad ng programa at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Read More:  Active police officer, former soldier arrested in Pangasinan gun sale

Samantala, kasama rin ng ahensya sa aktibidad ang mga katuwang nito particular ang DAR, DA-ATI, mga community-based organizations na kasama sa programa at iba pa.