Naturn-over na ng Department of Agriculture ang Cold Onion Storage Facilities sa mga magsasaka ng Valiant Primary Multi-Purpose Cooperative sa Bgy. Marcos Village, Palayan City, Nueva Ecija.
Ito ay mayroong kapasidad ng mula sa 10,000 bags hanggang 20,000 bags na magiging malaking tulong sa mga magsasaka ng sibuyas.
Ang pondo na ginamit ay nagmula sa DA High Value Crops Development Program na nagkakahalaga ng mula mahigit 17.4 million hanggang 50 million pesos.
Makakatulong pasilidad na mapahaba ang shelf life ng mga sibuyas at maiwasan ang mabilis na pagkabulok nito.
Samantala, tiniyak naman ng DA na marami pang ipapagawang kaparehong pasilidad ang kagawaran para matulungan ang mga magsasaka.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DA Central Luzon
