Kinumpirma ng OCTA Research group na bumaba na sa -1% ang growth rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila base sa tala kahapon, August 14.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nangangahulugan ito na nagsimula na sa downward trend ang COVID-19 infections sa NCR na naitala sa 9% noong August 7.
Ayon kay David, naniniwala silang pababa na ang trend bagamat dapat aniya ay bumaba pa ang mga kaso sa -50% para makita talaga ang significant decreases sa daily case tally sa NCR.
Giit ni David, ang nasabing decrease ay ang unang pagkakataon sa kasalukuyang COVID-19 wave
Matatandaan na noong Sabado, August 13, nasa 16.2% na mula sa 17.4% na naitala noong August 6 ang posivity rate sa Metro Manila na tumutukoy sa mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga indibidwal na nagpasuri.
Kinumpirma din ng opisyal na bumaba na din sa 1.15 ang reproduction number sa NCR o ang bilang ng taong nahawa mula sa isang kaso ng COVID-19
#