‘Once o twice a year vaccination’, dapat ipatupad – infectious diseases expert

Iminungkahi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na magkaroon na ng regular na pagbabakuna laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Solante na higit na makatutulong ang pagkakaroon ng annual o bi-annual na vaccination para malabanan ang iba’t ibang mga variants na umuusbong.

Suhetiyon niya, gawin nang once a year o twice a year ang pagbabakuna para maiwasan ang mga severe infections.

Paliwanag ni Solante, normal na nagwe-wane o nababawasan ang bisa ng mga COVID-19 vaccines makalipas laman ang walong buwan.

Ibig-sabihin, kahit ang mga vaccinated individuals ay magkakaroon ng mas mahinang proteksyon laban sa nakahahawang virus.

Sabi ng eksperto – hanggat mayroon pa ring COVID-19 ay inaasahan pa rin ang mutation ng virus, at magkakaroon pa rin ng posibilidad ng pagtaas ng kaso nito.
#