Binigyang diin ng infectious disease expert na wala pang ebidensya na magsasabi na ang Omicron coronavirus variant ay mas nakamamatay kumpara sa iba pang variants.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, kailangan pa ng maraming pag-aaral para matukoy kung ang Omicron ay mas malala o less severe, kumpara sa Delta variant.
Dagdag ni Salavana, mayroong mixed data talaga na magsasabi na ang pagtaas ng kaso sa ibang bahagi ng Africa ay dahil sa enhanced tracing o dulot ng Omicron.

Ang B.1.1.529 variant ang sinisisi ngayon ng infections sa South Africa, habang maraming bansa na ang nagsara ng kanilang borders para mapigilan ang Omicron. //MHEL PACIA-TRINIDAD