Olongapo City Gov’t. paiiralin na ng husto ang paperless transaction sa mga opisina ng LGU

Desidido na ang city government ng Olongapo na pairalin ng husto ang online processing ng mga dokumento sa susunod na taon.

Ito ay makaraang mapansin na makakatulong ng malaki ang paperless transaction para maiwasan ang red tape, makatipid ang pamahalaan at ganundin ang mga negosyante sa pagproseso ng mga clearances at permits.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Base sa memorandum, isasalang ng Department of Information and Communication Technology sa pagsasanay ang piling mga empleyado ng mga local government units at iba pang ahensya para magawa ang paperless transaction.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Matatandaan, dahil sa mga restriksyon dulot ng pandemya ay ipinagbawal ang walk-in clients sa mga government offices at nauso ang online processing na paiiralin na ngayon sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO