Official travel ng mga kawani ng pamahalaan at pagpasok ng mga food vendors sa alin mang tanggapan sa Kapitolyo ipinagbawal muna sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Pansamantalang hindi muna papahintulutan ang pagkakaroon ng official travel ng mga kawani ng pamahalaan at maging  ang pagpasok ng mga vendors sa alinmang tanggapan sa Kapitolyo sa Camarines Norte

Base sa panibagong guidelines na ipinalabas ng Incident Management Team, ito ay may kaugnayan sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan na sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng Modified General Community Quarantine (MGCQ)

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa mga petsang nabanggit ay ipinagutos ang paglilimita ng galaw ng lahat ng mga kawani ng LGUs kung kaya’t Bawal muna ang opisyal na biyahe (official travel) ng mga kawani maliban kung “extreme emergency”.

Habang ang mga inorder na  pagkain o anumang produkto o gamit na inihahatid ng mga riders ay hanggang sa main entrance lamang ng Kapitolyo at doon na lamang kukunin ng kawaning nagpadeliver.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang kaatasan ay sinimulang ipatupad kahapon at magtatagal hanggang sa ika-21 ng Mayo ngayong taon