OCTA, nakikitang posibleng bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa NCR

Nakikita ng independent group na OCTA Research na posibleng bumaba na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David na ang one-week growth ng mga kaso sa rehiyon ay nasa -8% nalang.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Giit ni David na maaring nangangahulugan ito na ang increasing trend sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya, kabilang na ng Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan, ay nagsisimula nang bumagal.

Matatandaan na noong September 16, naiulat ng OCTA na tumaas ang one-week growth rate sa NCR sa 18% mula sa -4%.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Pero sa kabila nito, hindi naman isinasantabi ng OCTA research fellow ang posibilidad na maitala ang 4,000 COVID-19 cases daily dahil sa bumababang immunity, at ang pagbabalik ng face-to-face classes, at ang pagluluwag ng mobility rules.