NAGA CITY – Pinangunahan ni Naga City Mayor Son Legacion kaninang umaga ang Oathtaking Ceremony ng 27 bagong SK Chairman sa Naga City.
Kasama si City Vice Mayor Cecilia “nene” de Asis at si Out-Going Sk Federation President Kylie Tripulca.
Sa mensaheng ibinigay ng Bise Alkalde, sinabi niyang napakahalaga ng papel ng mga kabataang opisyal lalo na panahon ngayon na naku-kuwestyon ang moralidad at integridad ng mga ito pagdating sa isyu ng politika.
Ayon sa opisyal, sana kalimutan na ang mga nangyaring kontrebersiya sa panahon ng pangangampanya ,at mag sentro na ngayon sa pag-trabaho para sa kapakanan ng mga kabataan.
Nabanggit pa ng opisyal na pabor silang manatili ang Sangguniang Kabataan, kaysa sa tunawin ito tulad ng mga naging plano ng kongreso ng mga nakalipas na taon.
Ngayong araw ay ginagawa ang election para sa magiging bago nilang SK Federation President.