NTC: Live selfie photo, idinagdag na bagong guidelines sa pagpaparehistro ng SIM

Naglabas ng bagong guidelines ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa pagpaparehistro ng SIM cards.

Ayon kay NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, sa pag-register ng SIM kailangan nang ‘mag-live selfie’ alinsunod sa bagong memorandum order ng ahensya.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Dagdag pa ni Lopez, hindi na tatanggapin ng ‘live selfie’ ang mga stock photos; kaya’t wala nang unggoy na makakapagparehistro dito.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Tiniyak sa bagong alituntunin na ang mga nagparehistro ay pawang mga lehitimong user.