NTC, inatasan ang mga telcos na maghanda sa paghagupit ng bagyong ‘Karding’

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telco firms na maghanda para sa Tropical Storm Karding, at tiyakin ang suporta sa mga lugar na tatamaan ng weather event.

Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, kailangang tiyakin ng mga ito ang sapat na bilang ng technical at support personnel, maging ng mga standby generators na may extra fuel, tools, at spare equipment sa mga lugar na nakikitang maapektuhan ng tropical depression ‘Karding.’

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Kaugnay nito, pinamamadali rin sa mga telecom companies ang pagrepair at pagbabalik sa kanilang serbisyo sa mga tatamaan ng bagyo.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Inaasahan rin ng NTC, na i-aupdate sila kada anim na oras hinggil sa kanilang aktibidad.

Maliban dito, pinapadeploy din ni Cordoba ang mga telecom firm ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga strategic areas, at mahigpit na makipag-ugnayan sa mga local government units.