Notorious gang nasa likod sa pagdukot ng mga American missionaries sa Haiti

Itinuro ng mga otoridad ang isang notorious gang na nasa likod ng pagdukot sa isang grupo ng North American missionaries malapit sa kapital city na Port-au-Prince sa Haiti.

Ayon sa report, galing sa pagbisita sa isang bahay ampunan ang mga biktima na kinabibilangan ng 5 lalakim 5 babae at 5 bata nang mangyari ang abduction.

Itinuturo ang 400 Mawozo gang na sinasabi ding nasa likod ng pagdukot sa isang Catholic clergy noong Abril.

Matatandaan na ang Haiti ang isa sa may pinakamataas na insidente ng kidnapping sa buong mundo.

Ngayong taon pa lamang ay naitala na ang mahigit sa 600 kaso ng kidnappings sa unang quarter kumpara sa 231 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.