Nonchalant pistol shooter ng Turkey na si Yusuf Dikec, viral sa social media

“You can be cool, but you can never be this cool”

Viral ang pambato ng Turkey sa Paris Olympics 2024 na si air pistol shooter Yusuf Dikec dahil sa kanyang pagiging nonchalant.

Nagpakita lang naman ang 51 years old ng swabeng shooting skills at kahit walang shooting gear at ang isang kamay lang ang gamit ay nasungkit pa rin nito ang silver medal sa naturang event.

Karamihan sa mga shooter ay nagsusuot ng ear protector at specialize glasses kapag bumabaril pero hindi na umano ito kailangan ni Dikec dahil tamang casual outfit lang at cool na stance at aura ay kaya na niyang masungkit ang medalya.

Napag-alaman din na isang retired police officer ang nasabing atleta.