NIA’s Antiporda, pinatawan ng 6-month suspension re: Misconduct complaints

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang six-month preventive suspension without pay laban kay National Irrigation Administration (NIA) acting administrator Benny Antiporda dahil sa mga reklamo na “grave misconduct.”

Ayon sa kautusan, ang reklamo na inihain laban kay Antiporda ay kinabibilangan ng conduct prejudicial to the best interest of the service, harassment, oppression, at ignorance of the law.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Kaugnay nito, nakasaad sa order na ang kaso laban kay Benny Antiporda ay maaring mag-udyok sa kanyang pagkakatanggal sa serbisyo.

Sinasabing nagpatupad si Antiporda ng umano’y “retaliatory tactics” sa mga abogado at opisyal ng NIA na nagrekomenda sa manatili ang dating administrasyon ni Ricardo Visaya bilang holdover capacity, bago magtake over si Antiporda.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Kabilang sa mga tactics na ito ay ang pamamahiya sa mga opisyal, maling pag-aakusa ng korapsyon, reassignment o paglipat nang walang sapat na dahilan, at pagbabanta sa mga empleyado dahilan para magbitiw ang mga ito at iba pa. //MHEL PACIA