Neri Naig, dinepensahan ang isang libong weekly meal plan

Matapos ma-bash sa social media, dinepensahan ng dating aktres na si Neri Naig ang ginawa nitong  isang libong weekly meal plan para sa kayang followers sa social media.

Mababasa rito ang mga pagkaing puwede raw lutuin ng mga ina para sa kanilang pamilya, lalo na sa mga nag-aaral nilang anak.

Read More:  Regine announces free final major solo concert

Aniya, hindi niya ibinigay ang sample ng meal plan para sa mga bashers at hindi niya followers.

Inihandog niya raw kasi ito sa mga nanay na namamalengke kung saan pinaalalahan niya na maging wais sila sa pamimili.

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Lagi niya rin dawng inaanyayahan ang mga ito na matutong magtanim sa bakuran para makatipid sa ingredients, dahilan para maging isang libo lang ang budget ng meal plan.