Neil Arce, tinawag na ‘fake news’ ang umano’y paghihiwalay nila ni Angel Locsin

Sumagot na ang film producer na si Neil Arce sa tinawag nitong “fake news” kaugnay sa isyu ng kanilang marriage si Angel Locsin.

Binigyang diin ni Arce na charitable people naman umano sila ng kanyang asawa, kaya donasyon nalang umano nila sa mga fake news peddlers ang kikitain nila sa pagpapakalat ng maling balita.

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Ang pahayag nito ay kasunod ng paglabasan ng mga YouTube videos mula sa mga non-reputable sources na nagpapakalat na siya at si Locsin ay hiwalay na.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Sinasabi pa sa naturang mga videos na ang kanilang paghihiwalay ang dahilan kung bakit nananahimok sa online si Angel.

Mababatid na tatlong buwan nang hindi lumalabas sa mga social media ang aktres, kung saan ang huli nitong update sa Instagram ay noon pang August 1.