Negosyante, sugatan sa pamamaril sa Lian, Batangas

Nagtamo ng dalawa tama ng bala ng baril ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Lian, Batangas.

Kinilala ng Lian Municipal Police Station (MPS) ang biktima na si Reynaldo Rosales, 62 anyos, isang negosyante at residente ng Brgy. San Diego ng nasabing bayan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon sa imbestigasyon, alas-8:30 ng umaga ng Mayo 29, nagsasarado umano ng kanyang tindahan ang biktima ng pagbabarilin ng suspek na sakay sa motorsiklo.

Tinamaan ito sa kaliwang dibdib at sa kanang bahagi ng kaniyang tiyan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Itinuturing na isa sa mga motibo umano sa krimen ay ang alitan sa lupa.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kondisyon ang biktima habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang suspek.