Negatibong reaksyon sa Wattah Wattah Festival, inilabas ng netizens

Kabrigada, nakapunta ka na ba sa Basaan festival ng San Juan?

Hindi natuwa ang mga dumalo sa nasabing wattah wattah o basaan festival nitong Hunyo 24 sa San Juan.

Ikinagalit naman ng netizens ang mga kwentong baon ng mga naroon sa araw ng basaan sa nasabing pagdiriwang sa lugar.

Ayon sa mga nakaranas nito first-hand, pinigilan umano ng mga batang lokal sa San Juan ang sinasakyan nilang jeep at binuhusan naman ng isang drum ng tubig ang batang nakaupo kasama ang nanay nitong umiiyak habang nagmamakaawa na huwag ituloy ang pambabasa.

Isang pasahero naman sa nasabing jeep ang college student na dala ang kanyang thesis paper na nasabuyan rin ng di inaasahang bababa pala siyang basa na ang nasabing life’s work.

Mayroon ring mga nasiraan ng gadgets gaya ng laptop at cellphone na ibinahagi sa social media ang hinaing.

“40,000 pesos ang laptop ko. 23,000 pesos ang cellphone ko. Sino ngayon ang sisingilin ko?” tanong ng netizen sa reddit. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from Francis Zamora

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *