NEDA: hindi maaapektuhan ng El Niño ang inflation

Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko na gumagawa na ng mga hakbang ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos para tugunan ang posibleng epekto ng El Nino phenomenon.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na ang epekto ng long-dry spell ngayong taon, partikular na sa inflation, ay hindi magiging malubha.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Dagdag pa nito, walang nakikitang significant impact ang pamahalaan sa El Niño pagdating sa ekonomiya at infation sa bansa kung agad na maihahanda ang angkop at napapanahong preparasyon ng contingency measures.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Ani Edillon, nagsisimula na ang paghahanda ng gobyerno para sa mainit na panahon kung saan naisaayos na ang planting season, at na-eliminate na ang pangangailangan para sa water irrigation.