NDRRMC-488 pamilya sa Cagayan, inilikas dahil sa Bagyong Kiko

Umaabot sa 1,617 katao o 488 na mga pamilya ang nakisilong sa 61 evacuation centers sa probinsya ng Cagayan dahil sa Bagyong Kiko.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), wala pa namang naitatalang casualties o nawawala sa northern Luzon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal, batay sa preliminary reports, 79 individuals ang inilikas sa Divilacan,habang 247 individuals naman sa Maconacon sa probinsya ng Isabela.

Sa situational report naman ng NDRRMC, 15 mga barangay na ang apektado ng Bagyong Kiko, 415 katao o 120 pamilya sa Region 2.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa ngayon, mayroon rin 374 displaced persons o 103 families sa loob ng walaong vacuation centers.

Sa kabilang dako, ang mga daan at tulay sa Cauayan, Isabela, at Tuba, Benguet na una nang napaulat na hindi madaanan ay passable na ngayon.