NCRPO, maagang nagbabala sa mga raliyistang magsusunog ng protest materials kasabay ng ikatlong SONA ni PBBM

Maagang nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga raliyistang magsusunog ng effigy o protest materials kasabay ng ikatlong SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.

Ayon kay NCRPO Regional Director MGen. Josel Melencio Nartatez Jr., huwag nang magtangkang magsuynog ng effigies upang hindi maharap sa kaso.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Maalalang noong 2023 SONA, nagsampa ng reklamoang Quezon City Police District (QCPD) laban kay Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes at iba pa dahil sa pagsunog ng effigy ng Pangulo bilang protesta.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Samantala, asahan na rin ayon kay Nartatez ang pagpapakalat ng mas maraming pulis upang magpatupad ng mahigpit na seguridad sa SONA.

Noong nakaraang taon, nasa 22,000 ang bilang ng mga pulis na itinalaga SONA na tradisyunal na
isinasagawa sa Batasang Pambansa sa Quezon City