NCR, nangunguna sa overall rankings ng 2024 Palarong Pambansa

Nangunguna na ang National Capital Region (NCR) sa medal tally ng 2024 Palarong Pambansa, matapos nilang makalikom ng 61 gold medals, 47 silver, at 56 bronze.

Bumaba naman sa ikalawang pwesto ang Region IV-A (Calabarzon) na kasalukuyang may 42 gold medals, 32 silvers, at 36 bronze.

Read More:  Sen. Padilla says constitutional loyalty is also ‘wanted’

Sinundan naman ang dalawa ng Region VI – Western Visayas, Region XI – Davao Region, at Region VII – Central Visayas.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Kasalukuyang ginaganap ang Palarong Pambansa sa Queen City of the South, Cebu City, para sa ika-64 na edisyon nito na magtatapos bukas, July 16, 2024.