NCIP at iba pang ahensiya ng gobyerno bubuo ng action plan para sa proteksyon ng mga katutubong Dumagat sa Calagaus Island laban sa mga magtatangkang kunin o bilhin ang kanilang lupain

CAMARINES NORTE – Nakatakdang bumalangkas ng action plan ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa proteksyon ng mga katutubong Dumagat sa Calaguas Island laban sa mga magtatangkang kunin o bilhin ang kanilang lupain.

Ito ay makaraang mabuksan ang isyu  sa Provincial Peace and Order Council Meeting noong nakaraang buwan hinggil sa mga personalidad na nagmumula sa ibang lugar na nagnanais bumili ng mga lupain sa isla para pagtayuan ng mga resort o istruktura at isa nga umano sa pinag iinteresan ay ang lupain ng mga katutubo.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay NCIP Provincial Head at Development Management Officer V Agnes Salvino tiniyak nito  na poproteksyunan ng opisina at ng iba pang ahensiya ang karapatan ng mga katutubo na hindi sila mapaalis sa kanilang tinitirhan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Binigyang diin ni Salvino na sa ilalim ng Republic Act 8371 o Indigenous Peoples Rights Act of 1997,nakapaloob dito ang karapatan sa pagmamay-ari ng mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno o ancestral lands at ito aniya ay kinikilala at protektado ng batas.

Nakapako umano sa dalawang isyu ang usapin, ito ay kung papaano magre- regulate ang pagpasok ng mga tao na interesado sa lupain ng mga katutubo at ang pagsasaayos sa ancestral domain.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ani, Salvino, kinikilala ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Vinzons ang lupang tinitirhan ng mga katutubo bilang bahagi ng ancestral domain.

Batay sa ginawang validation ng NCIP nito lang Abril tinatayang nasa mahigit 400 ang mga katutubo sa lugar hindi pa kasama ang mga bata.

Noong 1997 napag alaman umano ng NCIP na mayroong 34 na pamilya na orihinal na katutubong Dumagat sa Isla at s apagdaan ng mga taon ay nadagdagan na ito.

Magiging katuwang ng NCIP sa pagresolba ng usapin ang Department of Environment and Natural Resources at ang Department of Agrarain Reform.