NBI: Mga gang sa Bilibid, nag-ambagan para pondohan ang pagpatay kay Lapid

Ibinahagi ng National Bureau of Investigation (NBI) na nag-ambagan umano ang mga gang sa National Bilibid Prison (NBP) para pondohan ang pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay NBI supervising agent Eugene Javier, na sa P550,000 na deneposito sa bank account ni confessed gunman Joel Escorial, nagbigay umano ang Happy Go Lucky gang ng P200,000 bilang down payment.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ang natitira naman umanong P350,000 ay ibinigay ni Bureau of Corrections Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, na inilabas lang matapos gawin ang pagpatay.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Nabatid na pinapayagan umano ang mga gang sa NBP na magkaroon ng income streams, na kadalasa’y ginagamit para pondohan ang mga proyekto para sa kanilang mga miyembro. // MPT