NBA Hall of Fame inductee Dikembe Mutombo na-diagnosed ng brain tumor

Kasalukuyang ginagamot ang Basketball Hall of Fame inductee na si Dikembe Mutombo matapos itong madiagnosed ng brain tumor.

Ang dating center ay naglaro ng 18 season sa NBA sa anim na koponan, at nakakuha ng reputasyon bilang isa sa mga pinakamahusay na shot blocker ng liga.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Patunay nito ang apat na Defensive Player of the Year award sa kanyang career.

Sa isang pahayag ng NBA humihingi si Dikembe at ang kanyang pamilya ng privacy sa panahong ito para makapag-focus sila sa pangangalaga sa dating player.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Ang 56-taong-gulang, na may taas na 7 talampakan 2 pulgada, ay walong beses na All-Star at pangalawa sa all-time block sa kanyang karera.

Nakilala si Motumbo sa kanyang iconic finger wag matapos ang isang block na ginaya din ng ilang manlalaro.