Navy – tiniyak na ‘di magiging hadlang ang China sa RoRe missions

Binigyang-diin ng Philippine Navy na hindi maaapektuhan ng China ang rotation and reprovisioning (RORE) missions ng bansa sa West Philippine Sea.

Ito ang pagtitiyak ni PN spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad nang tanungin kung ano ang mga adjustment na ginagawa ng ahensya para matiyak na hindi na mauulit pa ang mga pag-atake ng China sa mga nagdaang RORE missions.

Read More:  Romualdez maintains innocence, says he will face case

Ayon kay Trinidad, magkakaroon naman talaga ng mga adjustment, pero hindi niya pa ito nais pangunahan.

Read More:  Palace rejects Sara Duterte’s claim that Marcos controls senate, courts and police

Basta ang tinitiyak umano nito ay hindi mahahadlangan ng China ang bansa sa mga aktibidad nito sa WPS.

Mababatid na sa RORE Mission noong March 23, binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas, dahilan para masugatan ang 3 Pilipinong sakay nito.