Naturalization ni Brownlee lusot na sa Senate Committee on Justice

Inaprubahan ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino Citizenship kay Barangay Ginebra star Justin Brownlee.

Umabot sa dalawang oras ang deliberasyon komite at sa huli ay naglabas ito desisyon pabor sa naturalization ni Brownlee.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Si Brownlee, ay limang taon nang labas-pasok sa bansa, bilang import ng Barangay Ginebra San Miguel at dalawang beses na nakakuha ng Philippine Basketball Association’s best import award.

Inaasahang mapapalakas nito ang koponan ng Gilas Pilipinas sa Pebrero 2023 sa pagsabak nito sa FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers Window 6 sa Philippine Arena.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Nabatid na tinulungan at pinangunahan ni Brownlee ang kanyang koponan na makamit ang limang PBA championship noong 2016, 2017, 2018, 2019 at 2021.