Binigyang diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na kokonti nalang ang mga miyembro ng Abu Sayyaf group, sa gitna ng anti-insurgency efforts ng gobyerno.
Sa gitna nito, tumanggi si Abalos na banggitin ang saktong bilang ng natitirang ASG members.
Kinumpirma rin nito, na nasa 100 nga miyembro ng Abu Sayyaf, kasama ang kanilang mga armas ang sumuko sa gobyerno sa Jolo, Sulu noong nakaraang linggo.
Giit ng kalihim, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga Abu Sayyaf na sumuko.
Dahil dito, humina na umano ang pwersa ng mga rebelde, at ang mga lugar na una nang apektado ng insurhensiya ay inihahanda na para sa economic progress.
Samantala, ang mga sumuko ay makakatanggap ng P15,000 cash, livelihood, reintegration, medical, housing assistance at iba pa.
