National Privacy Commission hindi pabor na isapubliko ang mga COVID-19 patients

Hindi pabor ang National Privacy Commission (NPC) sa panukalang isapubliko ang mga pangalan ng COVID-19 patients para mapabilis ang contact tracing.

Ayon kay NPC Chairman Raymund Liboro posibleng magdulot lamang ng takot at pagkawala ng tiwala sa mga otoridad ang naturang panukala.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Dagdag pa ni Liboro na kahit ang World Health Organization (WHO) ay hindi naniniwalang kailangan isapubliko ang mga pangalan ng mga nagpopositibo sa corona virus.

Sinabi din ni Liboro na baka lalong matago ang pasyente kapag pinangalanan ang mga ito.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Nagbabala naman ang NPC chairman na posibleng maparusahan ang sinumang maglalabas ng pagkakakilanlan ng mga COVID-19 patients o ang hindi otorisadong pagproproseso ng detalye ng isang pasyente.