Umakyat na ang bilang ng mga natatapos na asphalt overlay at concrete reblocking sa isinasagawang “one-time big time’ road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa bagong inilabas na datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nasa mahigit labing-apat na daan na ang natapos at binuksan para magamit ng publiko.
Ilan sa mga lugar na tapos na gawin ay ang harap ng Vertis North, Bay 25 hanggang Bay 26, Bay 21 hanggang Bay 19 at harap ng Landmark sa ilalim ng footbridge.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagrerepair sa mahigit labingwalo pang daan sa North at South Bound.
Kaugnay nito, patuloy pa ring pinapayuhan ng awtoridad ang ilang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta para maiwasan ang pag-build up ng trapiko sa EDSA.