Nasa sampung libong mga Muslim sa Bicol nagdiriwang ng Eid’l Adha ngayong araw

NAGA CITY- Nagtitipon muli ang muslim sa buong mundo bilang paggunita sa  sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice;  pag-aalala sa naging sakripisyo ni Ibrahim.

Idineklara ng Malacañang ang Hunyo 28 bilang regular holiday sa buong bansa batay na rin sa National Commission on Muslim Filipinos. Matapos ang panalangin at salu-salo sa mga halal na pagkain , kanya-kanya na ng pamamaraan ng pagdiriwang ang mga pamilya.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa Bicol Region tinatayang aabot na sa sampung libo ang rehistradong populasyon ng mga mananampalatayang muslim. Ayon kay Camarines Sur Muslim Community Federation President na siya ring External Vice President ng Bicol Muslim Leaders Federation Mike Mustapha hiling nila ang  kapayapanaan sa mga kasama sa pananampalataya sa ibang bahagi ng bansa, gayundin ang oportunidad sa paghahanapbuhay.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kaya aniya bumabalik-balaik at lumilipat sa Bicol ang iba dahil sa pagiging mapayapa ng rehiyon.

Pasalamat naman si Mustapha sa importansyang ibinibigay sa kanila ng LGU Naga , inihihirit nila na ganito rin ang mangyari sa ibang mga LGUs. Inilapit na rin kay Sen. Robin Padilla na sana magkaroon ng sub-office ng National Commission on Muslim Filipinos at Muslim affairs consultative office.