Nasa 300 PDLs, nakatakdang palayaan ng BuCor ngayong araw

Nasa 300 persons deprived of liberty ang inaasahang makakalabas sa mga prison facilities ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong araw.

Ang mga PDLs na makakalaya ay nakapagsilbi na sa kanilang mga sentensiya.

Pangungunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapalaya sa mga PDLs mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ang programa ay tinawag na “Paskong kay Saya ang Pagbabalik sa Pamilya”.

Noong September 13 sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nasa 371 PDLs ang nakalaya

Noong November 24, may kabuuang 234 na PDLs ang nakalabas na sinundan ng 357 noong Oktubre 26.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sinabi ni Remulla na ang agarang pagpapalaya sa mga kuwalipikadong PDLs ay ginagawa para ma-decongest ang pitong prison facilities ng BuCor sa buong bansa.

Dagdag nito, na inaasahan ng DOJ na mayroon pang humigit-kumulang 5,000 na mga kwalipikadong PDLs ang mapapalaya sa June 2023. //CA (edited MPT)