Narra Mayor Danao, patuloy umano ang serbisyo; wala pang suspension order- spox

Patuloy pa rin ang panunungkulan ni Narra Mayor Gerandy Danao sa Bayan ng Narra Palawan, ayon sa Political Spokesperson nito na si Jojo Gastanes.

Hindi pa umano bumababa si Danao habang walang suspension order mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

kaugnay nito, nitong huwebes ay naghain na ng motion for reconsideration ang kampo ng alkalde hingil sa desisyon umano ng Office of The Ombudsman sa kasong inihain rito.

Batay sa apela ng mga abogado ni Danao, ipinaliwanag nito na inurong na umano ng Citi Nickel Mines and Development Corporation (CMDC) ang kasong isinampa sa kaniya noong February 23, 2023.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gayunman, sakalaling ihain ang nasabing 6 months suspension order ay maluwag umano itong tatanggapin ng punong bayan, ayon pa kay Gastanes.