Napoles, absuwelto sa kasong plunder pero guilty sa ibang kaso

Tulad ni Senador Jinggoy Estrada na-absuwelto rin sa kasong plunder ang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.

Pero guilty siya sa mga kasong corruption of public officials at pinagbabayad din siya ng halos P300 milyon  para sa mga kaso.

Ayon sa kanyang abugado iaapela nila ang hatol.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Samantala, kasama rin sa akusado ang driver ni Napoles na si John Raymond De Asis.

Si De Asis ay ginawang presidente ng isa sa mga pekeng NGO.

Maglalabas ang Korte ng alias warrant of arrest laban sa kanila dahil hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ang driver ni Napoles at ang chief of staff  ni Estrada.

Read More:  Sen. Imee warned she might end up like ‘Jay Sonza’ or get arrested

Taong 2013 ng pumutok ang P10 bilyon pork barrel scam at bukod kay Estrada nadawit din sina Sen. Bong Revilla at dating Sen. Juan Ponce Enrille.

2014 sinampahan ng kasong plunder ang tatlo at hindi nagtagal ay ikinulong ang mga ito.

Nakalabas noong 2017 si Estrada matapos magpyansa kahit non billable ang plunder.