Naitalang validated election-related incidents sa katatapos lamang na BSKE, tumaas sa 47 – PNP

Tumaas pa sa 47 ang naitalang validated election-relates incidents sa bansa.

Ito’y may kaugnayan sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang, pinakamarami ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region sa 16, Region 10 sa 13, 4 sa Cordillera, 3 sa Regions 1 at 8, tig dalawang kaso sa Regions 5 at 7 at tig1 kaso sa NCR, Regions 4A at 9.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Sa mga insidenteng naitala, pinakamarami ang shooting 19, physical injury 7, mauling 4, kidnapping 3, 2 kaso ng light threats at fire incidents, at tig 1 kaso ng grave threats, armed confrontation, robbery with intimidation and violation of domicile, indiscriminate firing at armed encounter.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Mula rito 15 ang injured at 43 ang sugatan.

Samantala, 114 naman ang suspected ERI at 103 ang non ERI.

Ang mga insidenteng ito ay naitala hanggang 11:59 ng November 1.