Nagpakilalang fencing coach, arestado sa pangmomolestiya ng 12 batang babae

Inaresto ng Quezon City Police District ang isang nagpakilalang fencing coach matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 12 batang babae kung saan ang isa ay ginahasa pa umano niya.

Ayon sa QCPD, isang tauhan ng barangay ang suspek na nag alok ng free training sa mga estudyante at pinapangakuan niya ang mga ito na magiging athlete sa gusto nilang eskwelahan. 

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Nag ugat ang reklamo dahil ang physical training ay tila may halo nang sexual harrasment.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Ayon sa pulis, tinatakot pa ng suspek ang mga biktima.

Walang ring maipakitang lisensya o anumang patunay na lehitimong coach ang suspek.

Samantala, ibabalik na sa korte ang kanyang warrant at hihintayin na ang itatakdang arraignment.